Lunes, Hunyo 15, 2009

Mga Kabalbalan sa Paghahanap ng Trabaho.

CHAPTER 2
"Si Ateng Kaklase Ko Daw at ang Pamatay na Exam"

Matapos ang madramang mga kaganapan sa Quezon City nung kinaumagahan ay sinadya naman namin ang napakayamang lungsod ng Makati. Syempre, kasama na dito ang makipagsiksikan sa mga tao sa MRT.

Eto ang eksena:

BEFORE: Para kameng mga susyalerong young professionals. With all the long sleeves, slacks and black shoes. You know.
AFTER: Parang mga yagit na nagpapanggap na susyalero dahil sa gusot na ang polo na plinantsa ng isang linggo (ay. kay Melbax lang pala dahil gusot-proof yung long sleeves na hiniram ko sa kuya ko) at pinagsawsawan na ang mga amoy namin dahil muntik na magkapalitan ang mga mukha namin sa iba pang pasahero sa MRT dahil sa sobrang sikip.



Pagkababa namin sa Ayala station ay dumeretso kame sa paghahanap ng "along Ayala ave., Level 12b, LKG Tower" (sabi sa text).

Ako: Pucha tol, san kaya yang lintek na office na yan? Pagod na ko maglakad!
Melbax: Oookaaayy lang yan tol. Madali lang hanapin yan.
Ako: Pano? Gagamitin ko na ba Byakugan ko?
Melbax: Eto o. (Sabay labas ng malaking MAPA ng LUNGSOD ng MAKATI. Oo. MALAKI)

Habang nagmumukha kameng mga ungas na naglalakad habang binabasa yung MALAKING MAPA, ay natunton namin ang misteryosong LKG tower. Bagama't short na ako sa budget (mayaman kasi si Melbax), ay pumayag akong sumakay nalang kme ng jeep papuntang LKG Tower. As usual, wala nanaman akong habas sa pagrereklamo. Ito ang mga pangyayari bago kame sumakay ng jeep.

Ako: Bakit pa tayo magjjeep? Eh ang lapit lapit lang nun (sabay turo sa mapa). Tingnan mo o (sabay sukat sa daliri ang distansya).
Melbax: Ungas ka ba? E napuntahan na namin nila ______ (mga fangirls ni Melbax) ang BPI, e malapit lang yung LKG na yan! Eto yun o (turo sa mapa). Alam mo ba gano kalayo yun?
Ako: Talaga?! Kasama mo sina ______? Yaks. Sige na nga pucha san ba sakayan ng jeep?

Nagdaan pa ang ilan pang minutong pagrereklamo ko at natunton namin ang LKG tower. Diretso kame sa front desk at nagtanong kung nasan ang 12b na sinasabi sa text. Matapos ituro samin kung saang elevator kame sasakay ay mabilis namin itong pinasukan.

 Eksena sa elevator:

Ako: Taena anlaking building!! Wohooo!! *sabay talon talon sa loob ng elevator. (Wala kasing ibang tao)
Melbax: Ungas (sabay pindot pindot na parang pro). Mukha kang gago. May camera o (sabay turo sa harapang taas namin).
Ako: Puta.

Dahil pro sa pagpindot pindot si Melbax ay lumampas kami sa 12b at nagpatuloy kame sa 16th floor at bumababa ulit sa 12b. Natunton din namin ang office ng John Clements at nangyari ang mga susunod na eksena.

*Upo muna sa lobby. Pagkatapos ng ilang segundong pagmumuni-muni ay lumapit na kame kay ateng front desk.

Ako: Excuse me, mag-iinquire lang po sana ako kung saan po ba magdedeposit ng resume? May nagtext kc sakin eh. eto o (sabay read aloud ng text).
Ateng Frontdesk: Ah. Ok. Akin na'ng resume nyo. At ikaw po sir? (Sabay tingin kay melbax)
Melbax: Ah. Kasi sinamahan ko lang sya. Magwwalk-in na rin po ako.

Nagtanong tanong si ateng front desk kung aling position ang inaaply-an ko at sinabi ko lang ulit yung nakasulat sa text. Nung si Melbax nman ang tinanong ay parang recorder si ungas na inulit lang lahat ng sinagot ko. Matapos neto ay tinawagan yung nagtext sakin at pinaupo na kami. Humarap samin si Ms. Ehlaii (ito yung spelling sa text) at chinika ng konti at binigyan na kami ng referral para mag exam na agad-agad.

Ms. Ehlaii: So, you're from UPLB. :)
Ako: Yes ma'am, teka. You look familiar. Ah! Naging classmate tayo sa SocSci 2. hehe
Ms. Ehlaii: Ah... Sorry pero hindi ako kumuha nun.

*
Pinagpawisan ako ng ga-butil ng bigas. pero...

Ms. Ehlaii: Pero kilala ko si Pat. Housemate ko sya dati.

*
Parang may suminding bumbilya sa ulo ko.

Ako: Ah! si PAT!! Oo. Kilala ko sya! (Kahit hindi ako sigurado kung sinong Pat yun. Buti nalang si Patricia na orgmate ko yung tinutukoy nya )

Matapos neto ay umupo muna kami at nagmuni-muni habang halatang nagpipigil tumawa si Melbax. Maya-maya ay tumayo si ateng itatago natin sa pangalang Ms. Chan at pumuntang front desk at parang nagrereklamo kung bakit kami nauna. Isip isip ko, "ganyan siguro talaga pag may kakilala, nauuna". Matapos neto ay tumulak kame sa susunod naming destinasyon. Ang Basement 1. Dito kame mag eexam. Habang nasa elevator ay para nanamang ungas si Melbax na pinagtatawanan si Ms. Chan. Tawa nlang rin ako dahil pagod na kong magside-comment. Sa basement 1 ay humarap samin ang napakagandang ate na itatago natin sa pangalang THE EXAMINATOR. Pagkatapos itype ang pangalan namin sa database e naghintay nlang kame na parang isasalang sa death row. Maya-maya ay tinawag na ang pangalan ko. Ito ang eksena sa THE ENGLISH ROOM (title ko lang to).

Ateng Interview: Alright, this is an assessment on how good you are in using the English language. You will answer me in WHOLE sentences and in English. By the way, I'm _____ (nakalimutan ko na anong pangalan nya).
Ako: Good Afternoon Ms. _____! *Sabay smile* (pucha lagot! nakalimutan ko pa ata magbaon ng English! Nagamit ko pa yung iba kanina!)

*Hindi ko na ilalagay kung anong pinagtatanong sakin dahil traumatic yun. Anyway, buti nalang natapos na ang interview. Makakauwi na rin ako. BUT WAIT! THERE'S MORE!! Matapos ang inglisang matindi ay sinalang kami sa makadurog-utak na exam. Kung hindi ako nagkakamali e DALAWANG BESES kami nag exam dun. STRAIGHT walang hinto-hinto at NO CALCULATORS allowed. Pucha para akong nag-MATH 14 na walang calculator! Buti nalang hindi parang Econ102 na yun na pinaghalu-halo na yung mga numero, letra tapos dagdagan mo pa ng mga graphs na andaming linya linya. Natapos ang exam na parang nagevaporate ang mga utak namin at para kaming naglalakad na mga zombie. Katunayan nga nyan e tinangay pa ko ng pinto nung palabas kami ng building. OO TINANGAY AKO. Bwisit. Imagine nyo nlang. At syempre, para nanamang gago si Melbax sa katatawa. At dahil nafinancial crisis na ko e naglakad nalang kame pabalik ng SM Makati. Para kameng mga susyal na zombie na nakalong-sleeves. Anyway, nakasalubong namin si AC, pupuntahan nya daw si Mayang (na kapareho namin ng college sa UPLB).

Ako: Buti pa si Mayang, may trabaho na.
Melbax: **side comment. NAPAKAraming side comment.** Sabay turo sa babae sa starbucks. Nakita mo yun?
Ako: Wag ka magulo, natatae na ko. Pakyu.
Melbax: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.
Ako: Taenamo.

Puro mura nalang ang pwede naming sabihin dahil sa sinapit namin. haha. Wala na masyadong naganap pagkatapos neto dahil saktong pamasahe nalang pera ko pagkatapos namin lumamon sa food court ng SM Makati. Katunayan nga nyan e P1.50 lang natira sakin pagdating ko ng bahay. Olats. Anyway buti naman tumawag si IBM kaninang umaga. haha. Tsaka ko na yun ikukwento.

9 (na) komento:

  1. magkano ba kelangan mong pamasahe, pahiramin muna kita ben. :)))))

    TumugonBurahin
  2. nyahaha.. akalain mo yun? may talent ka pala magsulat? nyaha.. nice one ben.. ganyan talaga.. pag may tyaga, may nilaga. :P

    TumugonBurahin
  3. nyahaha.. akalain mo yun? may talent ka pala magsulat? nyaha.. nice one ben.. ganyan talaga.. pag may tyaga, may nilaga. :P

    TumugonBurahin
  4. haha. najango kc yung pera ko dahil sa taxi (pls. refer to Chapter 1). Solidong P120.00 rin yun.hahahaha.

    TumugonBurahin
  5. haha.dalawinnyoako dito sa Robinsons retail lapit lang ako eastwood...:)

    TumugonBurahin
  6. off topic: wow dyAN KA sa robinsons retail ano tinitinda dyan>? HAHA
    ontopic: hahaha panalo melba magtayo ka na lang ng kainan TITO MELBA hehehe

    TumugonBurahin
  7. next tym magdala ka ng maraming kayamanan..

    TumugonBurahin
  8. woo ang kulit. naririnig ko mga mura mo habang binabasa ko to. ahahha.

    TumugonBurahin