Lunes, Mayo 15, 2017

#OpisiNotes no.2

*Buys Jollibee Choco Mallow Pie and brings to my desk*

Nung pa-kagat na ko...
Officemate 1: Uy Ben! Pakilala ko sayo si Officemate 2

*Bumulwak yung chocolate sa bibig ko pagka-kagat ko sa Choco Mallow Pie*
Ako: Oh shit. Hi! *Sabay lapag ng Choco Mallow Pie sa desk*

#OpisiNOtes no.1

Assets Department: Sir, Here's your laptop. Kindly sign these papers here.
Me: Okay.
AD: Ay, wait. I'll just get your phone.
Me: *Uy. May pa-phone! NICE*
AD: *Hands landline phone*
Me: Okaaayyy...

Biyernes, Oktubre 9, 2009

Mga Kabalbalan sa Paghahanap ng Trabaho.

CHAPTER 9
"WEH."

"We're not here to save the world, we're here to make a difference."

'Yan yung isa sa mga sinabi sa'min ng boss naming si Sir Io nung unang araw namin sa trabaho, October 1. Maya ko na i-eexpound yung tungkol dyan sa quote na yan. hehe. Dito muna tayo sa celebration part. At sa wakas, nakapagsimula na rin sa trabaho.

Matapos ang 67 days ng pagaantay pagkatapos makapagpasa ng requirements,  mahigit 30 trips sa MRT, 1 trip sa taxi, sangkatutak na trip sa jeep, at 184 days pagkatapos ng graduation e officially na kong nagretire sa mundo ng unemployment. Hindi man ako kasing bilis nagkatrabaho tulad ng iba kong ka-batch, wala akong pinanghihinayangan sa oras na ginugol ko sa pagiging unemployed, in short, masarap tumambay. Ilan sa mga nagawa ko sa 184 days na yun e itong mga to: nakatapos ng 9 na series at nakasubaybay ng 5 on-going series ng anime, nakapanood ng 15 documentaries, nakabasa ng 8 issues ng Reader's Digest, at ilang araw sa gym, basketball at gitara. At higit sa lahat 184 days na nakaharap sa computer at Facebook (kakalaro ng Mafia Wars at Texas Poker). Kung kumikita lang ang pagfe-Facebook e malamang kaya ko nang bayaran ang utang ng pilipinas. hahaha.


Miyerkules, Setyembre 9, 2009

Mga Kabalbalan sa Paghahanap ng Trabaho.

CHAPTER 8
"Pheromones is in the Air"

Medyo matagal na rin nung huli akong nagsulat ng bagong chapter dito. Nagaantay kasi ako ng magandang timing para magsulat e. At inabot na 'ko ng mahigit isang buwan sa kaantay (apparently, still counting) ng timing na yon. Pero bago ang kwentong antayan na yan e hayaan nyo muna akong ikwento ang ilan sa mga kabalbalang inabot at nasaksihan ko sa aking job seeking adventures.

P.S. Sa mga inosente't walang bahid ng kung anumang dumi ang utak e wag nyo nang ituloy ang pagbabasa neto. Pero kung hindi nyo mapigilan ang sarili nyo, wag nyong kalimutan na binalaan ko kayo. Walang sisihan kung ako ang nakade-virginize ng malinis na utak nyong yan. haha.

9am, July 27. Sa KFC sa Ayala-MRT ko na napagpasyahang mag-agahan. Sarado pa kasi ang SM, Landmark, pati na rin ang Greenbelt. Katatapos ko lang nun magpasa ng requirements sa BPI, Ayala avenue cor. Paseo de Roxas, sa tapat ng Ninoy Aquino Monument. Inabot din ako ng dalawang linggo bago makumpleto ang medyo MAHABANG checklist ng mga requirements. Habang ineenjoy ko ang kasiyahan na sa wakas e contract signing nalang ang aantayin ko pati na rin ang agahan ko e medyo dumampi sa pandinig ko ang usapan ng dalawang tao sa tabihan ko. Pangalanan natin silang "padudaboy" at "padudagirl". Medyo hindi ko na narinig (o ginustong pansinin) ang naunang usapan nila, pero eto yung "nakakatuwang" part. hehe.

Martes, Hulyo 21, 2009

Mga Kabalbalan sa Paghahanap ng Trabaho.

CHAPTER 7
"sabaw"

Pasensya na kung ngayon lang to nasundan. Maraming ginagawa e. Next time ikukwento ko kung anong pinagkakaabalahan ko nitong mga huling linggo. At para malibang ko kayong mga masugid kong tagasubaybay (kung meron man), e papakita ko sa inyo ang isang makabagbag-damdaming REACTION PAPER na ipinasa sa akin ng isa sa aking mga fans. Hehe, joke lang. Galing to kay Steven, yung recent solo applicant ng UP Agribusiness Society na nauto ko nung huli akong naghasik ng lagim sa elbi. Ok, eto na. Hindi ko na inedit to. Nakakatamad.

Ang kwento ay umiikot sa mga adventures ng paghahanap ng trabaho after makagraduate ng college. Isang challenge na kailangang malampasan lalong lalo na ng mga fresh graduates. Mahirap maghanap ng trabaho. Maraming pgadadaanan na proseso – nandyan na ang mga pagkahaba habang forms na kailangang fill-upan, mga interviews, mga madugong exams, mga masusungit na tao sa front desks. Pero parte na yan ng buhay. Kailanagang mgahanap ng hanapbuhay upang mabuhay.

 Sa paghahanap ng trabaho kailangang madiskatre. Ayon sa kwento kailangang punctual sa mga interviews o exams. Kailangang with pleasing personalities with all the corporate attire. Naka neck tie pa nga raw eh. Dapat may prescence of mind. Marunong sumunod sa instructions. At kailangang matyaga. Pero kahit mahirap yung adventure ng paghahanap ng trabaho e kahit papano ay naeenjoy naman. Hindi naman lahat e matatangggap o makakakuha ng trabaho o mapapasukan pakatapos na pakatapos grumaduate ng college eh. Tyaga at swerte lang ang kailangan. Sa ngayon eh hindi ko pa masayadong maiintindihan o madadama ang paghahanap ng trabaho sapagkat ako’y estudyante palang ng college. Pero makakatulong din ang mga characteristics sa paghahanap ng trabaho na nabanggit ko sa pang-araw-araw na gawain. Sa pakikisalamuha sa kapwa. Sa acads.

 

*sir pasensya na sir late ko na po naisend. Marami po ginagawa. Di na nakakapagnet.


         Lubos na gumagalang,
Steven

Lunes, Hunyo 22, 2009

Mga Kabalbalan sa Paghahanap ng Trabaho.


CHAPTER 6
"GG"
Sorry to disappoint you guys. Ang bida sa bahaging ito e ako lamang. Walang ibang character kundi ako. Kung hinahanap nyo si Melbax the Xeroxboy, pasensya na pero wala talaga. Kwento ko to. Haha.

Matapos ang nakakapagod na mga pangyayaring inabot namin sa Chapter 5 e maaga akong nakatulog paguwi ng bahay. Ah. Hindi pala, kasi tinype ko pa yung Chapter 4 na nabura ng Multiply bago ako natulog. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at di ko chineck yung e-mail ko e online naman ako. Kinabukasan, as usual tinanghali nanaman ako ng gising. Matapos magmumog, maghilamos, magtanggal ng muta, at nag agahan e nag online na ko. Syempre SOP na yung pagchecheck ng e-mail. Nagulat ako dahil sa usual na jobstreet notifications e may naliligaw ata. Ang nakalagay e *IBM Confidential... (Hindi ko na kukumpletuhin dahil confidential nga e).

Linggo, Hunyo 21, 2009

Mga Kabalbalan sa Paghahanap ng Trabaho.

CHAPTER 5
"270"

Ang mga kaganapan sa bahaging ito ng aming adventures ay nangyari lahat sa kompanyang itatago natin sa pangalang Toyota, sa Pasong Tamo. Yung mga naunang pangyayari e nangyari kasama nung sa huling chapter. Sinama ko nalang dito para isang bagsakan nalang. Ok, eto na. Nga pala, congratulations sa iyo na nagbabasa neto dahil naaatim mo paring basahin ang kabulastugang ito. Sa mga nagbasa simula nung chapter 1, palakpakan ang iyong sarili dahil sa iyong kaboringan sa buhay e napadpad ka sa page kong ito. Kilala ko kayo dahil nalabas yung mga mukha nyo sa "people who viewed this page". haha. Salamat. :)

*EDIT. ahhh. The beauty of Multiply. Sadly, wala na yun ngayon.*

Siguro mga past 1pm na nung napadpad kame sa Toyota, ito yung pangatlo naming napuntahan bukod sa GlaxoSmithKlyne, sa Nissan at Volvo. Sa mga walang experience sa paghahanap ng trabaho, ang first step sa pagwowalk-in ay ang pagtatanong sa sekyu. Kadalasan e sa kanila na binibigay yung resume. Ewan ko nalang kung talagang nakakarating sa HR yung mga resume na napasa o naipahid na sa taeng natapakan. Kakaiba tong Toyota dahil ambait ng guard. Sinabihan kaming matatagalang umabot sa HR nila yung resume dahil busy daw sila. Pinayuhan kaming ibigay nlang ang mga ID namin para bigyan kame ng visitor's ID para diretso sa loob ng opisina na kame mag abot ng resume. Pagkatapos magtanong sa info desk e dumeretso kame sa third floor. Dahil pro si Melbax ay dire-diretso syang pumunta dun habang kame ni JP ay chill lang. Maya-maya ay sinitsitan si Melbax ng ateng nasa frontdesk sa third floor. Tinawag namin si Melbax, at pumunta naman syang pumuntang front desk. Ay, nga pla, ang SUNGIT ng ateng front desk na yun. Pramis. Dahil dito hayaan nyo akong bigyan sya ng pangalang ateng Meno, as in Menopause. Hahahaha.