Lunes, Hunyo 22, 2009

Mga Kabalbalan sa Paghahanap ng Trabaho.


CHAPTER 6
"GG"
Sorry to disappoint you guys. Ang bida sa bahaging ito e ako lamang. Walang ibang character kundi ako. Kung hinahanap nyo si Melbax the Xeroxboy, pasensya na pero wala talaga. Kwento ko to. Haha.

Matapos ang nakakapagod na mga pangyayaring inabot namin sa Chapter 5 e maaga akong nakatulog paguwi ng bahay. Ah. Hindi pala, kasi tinype ko pa yung Chapter 4 na nabura ng Multiply bago ako natulog. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at di ko chineck yung e-mail ko e online naman ako. Kinabukasan, as usual tinanghali nanaman ako ng gising. Matapos magmumog, maghilamos, magtanggal ng muta, at nag agahan e nag online na ko. Syempre SOP na yung pagchecheck ng e-mail. Nagulat ako dahil sa usual na jobstreet notifications e may naliligaw ata. Ang nakalagay e *IBM Confidential... (Hindi ko na kukumpletuhin dahil confidential nga e).


*Para akong siraulo na nakangiti sa harap ng screen nung makita ko yung e-mail. Syempre, dahil wala akong kausap, lahat ng ito e nsa isip ko lang.

Ako:
Ohoy. Buena mano. Jackpot!

*Unti-unti kong binasa yung e-mail, para thrilling.

E-mail: Dear Ruben,
                       Thank you for your recent application to IBM Business Services...
Ako: Yeah boy! Eto na to! Wohoo!!
E-mail: We regret to inform you...
Ako: Pucha tama ba yung nabasa ko? Ulit.
E-mail: We regret to inform you that you did not qualify for... *blah blah blah...
Ako: Taena janggo.

*Isang minutong katahimikan para sa ikapapanatag ng kamalasang inabot ko...

Matapos kong matulala ng konti sa harap ng computer e pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng e-mail. Kahit bali-baliktarin e wala na talaga akong mapipiga na kahit anong swerte sa natanggap kong e-mail. Wala. GG.

*Sa mga hindi nakakaalam e ang "GG" o Good Game ang universal gaming language ng pagka olats. Panis. Instant lesson. haha.

Matapos kong basahin ng isang pasada yung message e hindi ko na ulit ito binasa. Nakakabadtrip kaya. Kahit gano na kakapal mukha ko e tinatablan pa rin ako ng mga ganun. Bigla akong natauhan nang after 10 mins e natanggap ko nang wala parin akong trabaho. Maraming bagay ang pumasok sa isip ko. Natauhan ako ng maiging maigi. Para akong in-uppercut ni Pacquiao, imbes na ma-KO ako e mas nagising pa ko lalo.

Para sa isang mayabang na katulad ko, malaki ang naging epekto nito sakin. Buong buhay ko kasi sa elbi e bihira lang akong mag-aral para sa exam, lalo na't kompyansa akong papasa ako (pwera nalang sa Math at Econ. Bopols tlaga ako dun. haha). Bihira akong biguin ng kompyansa ko sa sarili. Siguro masyado lang ako naging arogante at nakalimutan kong hindi araw-araw pasko. Bigla ko tuloy naalala nung nag prerog ako sa Math 14 kay Lajaraboy.

**Nga pla, explain ko lang. Hindi ako bumagsak sa Math 11 kaya ako nagprerog sa Math 14. Nagkanda leche-leche lang talaga nun. Sa mga hindi nakakaalam kung anong prerog, mahirap i-explain eh. Basta ibig sabihin neto e teacher's prerogative para tatanggapin ka sa klase. Ang pagpe-prerog ay ginagawa ng mga estudyanteng naghahanap ng additional units o para sa iba pang rason. Yung sakin e para masunod ko yung curriculum at para di ako madelay. Kasi kahit kumpleto yung binigay saking units, hindi ako binigyan ng Math 14. Dito sa UPLB, nakakatuwa to dahil nagmumukhang talent show ang isang klase kung may nagpe-prerog dahil napapagtripan ang mga nagbabakasakaling estudyante. At isa na ko dun.

Katulad ng ibang first-timers, e napaka naive (panis. english. haha. Sori hindi ko to alam sa tagalog) ko nung mga panahong yun. Dumeretso ako sa loob ng klase at kinausap yung kakilala ko.

Ako: Taena magpe-prerog ako. Hehe.
Ben (Blocmate ko na kapareho ko ng nickname): ...Hehe

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang yung expression nung kinausap ko. Yung animo'y "Talaga? Seryoso ka?". Maya-maya nalaman ko kung bakit.

Lajaraboy: Lahat ng magpe-prerog labas.

*lumabas ako kasama ang dalawang babaeng magpeprerog din. Tinawag ni Lajaraboy yung babaeng nauna sakin at pinapunta sa harap ng klase.

Lajaraboy: Ok, may apat pa kong slots para sa klaseng ito. Para tanggapin ko kayo, pasayahin nyo ang klase ko.

*Na-shock si ateng nakatayo na sa harap ng klase. Medyo matagal syang nakatunganga sa harapan, at maya-maya e mag song and dance number nlang. Sandara park pa yung sinayaw nya habang nanginginig yung boses. Wapakels lang yung mga estudyante. Pagkatapos nun...

Lajaraboy: Ano class? Natuwa ba kayo?
Class: ...
Lajaraboy: Sori ate, pero nakita mo nman... Next!

Patago akong tumatawa nang mapansin kong umalis na pala yung isa pang ate na kasama ko. Bwisit! Natakot ata at umuwi nalang. Hindi ko alam kung anong gagawin, at puhunan ang isang makapal na mukha e pumunta na kong harapan. Nung nasa harapan na ko e nakatingin ako ke ateng nagmamaka-awa kay Lajaraboy dun sa pinto, pero wala talaga.

Lajaraboy: Ok. Start!
Ako: Ah... Ok class, joke time muna tayo! :)

*Ewan ko kung nakailang joke ako pero ito yung naalala ko, pasensya na.

Ako: Anong hayop ang laging nababalewala?
Class: Ano daw?
Ako: E di... "'la yun.." (Para sa mga slow, lion yun)

Nakita ko nmang tumatawa yung iba. Yung iba patagong tumatawa. At yung iba walalang. At yung iba e tulog. Iba-ibang reaksyon ang nakita ko at base dun e kompyansa akong tatanggapin ako. Kaya siguro tumatawa yung iba kasi kakilala nila ako, siguro dati kong classmate, dormate o Dota-mate. Natatawa lang sila dahil sa kamalasang inabot ko at napadpad ako sa teacher nilang ungas.

Lajaraboy: Ano class, natuwa ba kayo?
Class: ...
Lajaraboy: O nakita mo nang resulta.
Ako: Teka sir, kita mo naman na maraming tumawa a. Obvious naman na natuwa sila o.
Lajaraboy: Kita mo nman yung reaksyon ko nung tinanong ko diba?
Ako: Anlabo. Diba may apat pa nmang slots? Ako nlang yung natitira o, interesado ako sa klaseng ito sir (Bola lang yun. Desperate moves. haha).
Lajaraboy: Wala akong pakialam kung interesado ka. Kung ano yung napagkasunduan, yun na yun. Kung interesado ka talaga, e di bumalik ka next time. Lahat ng bagay dito sa UP pinaghihirapan.

Umalis na ko't badtrip na pumunta sa susunod kong klase sa Hum, Eng 2. Kinabukasan e bumalik ako ng Math building para maghanap ulit ng Math 14. Buti nalang e binwenas ako kay Ma'am Gilo. Tinanggap nya ko sa klase ng walang talent-talent portion. Binawasan nya lang yung allowable absences ko, ginawa nya lang tatlo. Ayos na to, hindi nman ako mahilig umabsent e.

Ang kabalbalang inabot ko sa pagpe-prerog na to e katulad lang rin ng paghahanap ko ngayon ng trabaho. Kung hindi man ako natanggap e ang ibig sabihin nun kulang yung pinakita kong interest sa kompanyang iaapply-an ko. Masyado akong nabulag ng yabang ko at sa paniniwalang pinanghahawakan ko na "UP ako. Mas magaling ako sa iba dyan" (Pero, sabagay magaling nman talaga ako. Yata). Nakalimutan ko na kung may karapatan akong magturndown ng offers at maging choosy, mas lalo na siguro yung mga employers na maraming pagpipiliian bukod sakin. Tama nga yung teacher na yun, lahat ng bagay pinaghihirapan. Sana tulad ng nangyari dati e makakahanap rin ako ng mas magandang deal sa trabaho.

Kahit ganto ang kinahinatnan ng lahat e natutuwa pa rin ako. Nalaman ko kasi based on experience na mas exciting ang kwento ng totoong buhay kompara sa mga scripted na comics na nabasa ko at mga anime na napanood ko na predictable yung ending. Sinong magaakalang hindi pala happy ending yung kahihinatnan ng kwentong sinimulan ko base sa pag-aapply ko sa unang dalawang kompanyang pinuntahan namin. Wala akong sama ng loob sa mga pangyayari kahit ganto pa ang kinalabasan. Dahil sa lahat ng naranasan ko e marami akong natutunan, isa sa mga pinakaimportante dito ay ang pagtie ng necktie (hahaha). Kung ikokompara sa Dota ang lahat ng kabalbalang ito e para na rin akong naglevel up. Sa dami ba naman ng experience points na nakuha ko. Ibig sabihin nyan e may mga bago akong skills na natutunan at mas malakas na ko ng 1 level. Panis. Yan ang practical application ng pagDodota. haha.

Always look on the brightside, yan ang isa sa mga motto ko. Kung hindi man ako nagkatrabaho e ok pa rin. Atleast maeextend yung time ko sa pag-aaral pa lalo ng gitara. Ok pa naman ang lahat basta wala akong nasasayang na oras. Marami nmang pwedeng gawin e.

Para kay Rap na gustong sumama sa susunod na escapade e mukhang malabo nang masundan pa ang mga kabalbalan na to. Yung effortless na komedyante kasi sa kwentong ito e magkakatrabaho na. Sa katunayan nga nyan e sa Thursday na yung deadline ng requirements nya sa Copylandia. Kung magkakaroon man, tingnan nalang natin kung anong magagawa.

Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Nasa climax pa lang tayo 'pre. I shall return.

16 (na) komento:

  1. haynako ruben ruben ruben. dapat nagsayaw ka nalang nakakatawa ka pa non. hahahahahah

    TumugonBurahin
  2. nice ben! pde ka nang maging writer... sure beBENta tong mga to! :)

    TumugonBurahin
  3. *clap clap clap*, "Nothing can stop the man with the right mental attitude from achieving his goal; nothing on earth can help the man with the wrong mental attitude." -Thomas Jefferson

    sabi nga nila, better luck next time. go hintay hintay lang muna ben. :)

    TumugonBurahin
  4. ben pwede pa naman ako sumama! pati si badong! text mu lang! pagnatangap ako, july pa naman start e!

    TumugonBurahin
  5. tara sa lunes hehe melbax sama ka sa lunes july 6? sino gusto sumama sa accenture mageexam sa lunes di cya callcenter ..aun

    TumugonBurahin
  6. oi ben tuloy ba tayo bukas sa accenture?

    TumugonBurahin