CHAPTER 4
"Mga Ungas at ang Lungsod ng Makati: Ang Muling Pagtutuos"
Ito ang kwento ng muling pagtutuos namin ng lungsod ng Makati dahil natuloy ang pinaplano naming walk-in sa BPI at sa iba pang kompanya sa Ayala ave. at sa Chino Roces ext. (a.k.a Pasong Tamo).
Napag-usapang magkikita-kita kme nila JP, Melbax, at Bojita sa Ayala station ng 8am para sabay sabay nang pumunta ng BPI. Sabi kasi ni Melbax e diretso nang interview at exam yun. Sobrang natuwa ako dahil nalaman kong meron palang FX na masasakyan galing samin papuntang SM Makati. Amazing! Hindi ko na kailangang mag MRT pa. Dumating ako ng Ayala-MRT ng mga 8:05 at nangungulit na sa text si Melbax ng "NASAN NA KAYO" na parang matatae na. Sa original na napag-usapan, e dadlawa lang kme ni Melbax ang sumipot. Dahil atat si Melbax, hindi na namin inantay si Bojita at JP at dumeretso na kme sa sakayan ng jeep papuntang Ayala ave. Buti naman at bihasa na kme dahil di na namin kinailangang gamitin ang mahiwagang mapa ni Melbax. Syempre, dahil beterano na si Melbax, sya ang pinauna ko papasok ng BPI. Dahil pro si Melbax, at mukha kameng mga mayayaman, ay dire-diretso kameng nakapasok sa BPI nang di tinatanong o hiningan ng ID ng mga guard. Diretso kami sa elevator papuntang 5th floor. Ito ang eksena sa elevator.