CHAPTER 9
"WEH."
"WEH."
"We're not here to save the world, we're here to make a difference."
'Yan yung isa sa mga sinabi sa'min ng boss naming si Sir Io nung unang araw namin sa trabaho, October 1. Maya ko na i-eexpound yung tungkol dyan sa quote na yan. hehe. Dito muna tayo sa celebration part. At sa wakas, nakapagsimula na rin sa trabaho.
Matapos ang 67 days ng pagaantay pagkatapos makapagpasa ng requirements, mahigit 30 trips sa MRT, 1 trip sa taxi, sangkatutak na trip sa jeep, at 184 days pagkatapos ng graduation e officially na kong nagretire sa mundo ng unemployment. Hindi man ako kasing bilis nagkatrabaho tulad ng iba kong ka-batch, wala akong pinanghihinayangan sa oras na ginugol ko sa pagiging unemployed, in short, masarap tumambay. Ilan sa mga nagawa ko sa 184 days na yun e itong mga to: nakatapos ng 9 na series at nakasubaybay ng 5 on-going series ng anime, nakapanood ng 15 documentaries, nakabasa ng 8 issues ng Reader's Digest, at ilang araw sa gym, basketball at gitara. At higit sa lahat 184 days na nakaharap sa computer at Facebook (kakalaro ng Mafia Wars at Texas Poker). Kung kumikita lang ang pagfe-Facebook e malamang kaya ko nang bayaran ang utang ng pilipinas. hahaha.
Hmmm... Ito ang ilang impormasyon sa pinasok kong trabaho. Officially Pilipinas Savings Bank ang pangalan ng bank pinagtatrabahuan ko. Isa ito sa mga bangko na inaquire ng BPI, at papalitan ang pangalan nito sa BPI-Globe BangKO. Hindi pa yata tapos yung mga papeles sa Bangko Sentral kaya di pa official ang bagong pangalan nun. Gustong mag-innovate yung dalawang kompanya lalo na sa microfinance kaya nabuo ang bangkong yun at kami ang pioneer batch, in short, guinea pig. hehe. Sabi nga ng boss namin "we are not selling basic financial services, we are selling opportunities for our less fortunate countrymen. We are here to help alleviate poverty". Umiikot ang trabaho namin sa corporate social responsibility o CSR ng BPI. Kung titingnan natin e parang social work ang gagawin naming trabaho, kaya di ko ineexpect na yayaman ako dito. Hindi rin gano'n ka-laki ang sweldo namin. Kaya wag kayong hihirit-hirit ng libre dyan! haha. Sa ngayon e wala sa isip ko ang magkaroon ng maraming pera, saan ko naman gagamitin yun? Aminado naman ako na ningas-kugon akong tao. At malamang nasasabi ko lang to dahil wala pa akong pinapakaing pamilya. Baka nga pag tumanda na ko nabasa ko tong mga pinagsusulat ko dito e gumulong pa ako sa katatawa tapos hirit ng: "ayaw mo pala ng maraming pera ha.. 'LUL!". Ito naman ang sasabihin ko sa mas tumandang ako: "WEH".
Nung una, ang gusto ko lang gawin ay magrakenrol. Tumugtog. Sumikat. Maraming pera. Naisip ko, malamang impluwensya to ng pop culture ng Pilipinas, na tumitingala sa mga taong sikat, lalo na yung mga nakikita sa TV. May utak man o wala. Basta sikat. Sa kapapanood ko ng mga documentaries tungkol sa mga tinuturing kong mga "personal heroes" (salamat sa youtube. hehe) e nalaman kong hindi kasikatan at maraming pera ang sagot sa pagkakaroon ng magandang buhay. Kung naging sikat o mayaman man sila e add-on nalang yun sa mga bagay na nagawa nila. Siguro dapat na nating pag-isipan ulit kung ano ang gusto nating gawin. "I will make a difference", yan ang personal goal ko. Kung pano mangyayari yun at kung san ako dadalhin nun e bahala na si Batman dun.
Sabi nga ni Sir Tan, yung department chairman namin sa Agribusiness Management, "If you still don't know what you're calling is, do the thinking, and let serendipity do the rest." Medyo mahabang storya din kung pano sya napunta sa pagtuturo, muntik na ngang maging officer sa military yun e. hehe. Malamang yung serendipity na sinasabi nya ang dahilan kung bakit di ako natanggap sa IBM. Kung ganun, dapat pala pasalamatan ko yang serendipityng yan kung bakit di ako nakapagsimula agad sa trabaho. Kasi kung nakapagsimula na ko n'on e baka namomroblema ako ngayon kung ano nang nangyari at kung saan na naanod yung mga kliyente ko dahil sa bagyo.
Mapunta muna tayo saglit sa usapang bagyo. Napulot ko lang yan sa internet, mga post-Ondoy posts sa Facebook. At idadagdag ko dito "...no exceptions". Oo, no exceptions, kasama na dyan yung mga magnanakaw, buwaya tsaka sakim na mga tao. Kilala sa tawag na Mayor, Tongressman, Senatong, Presidente, boss, kuya, ate, ako, ikaw. Depende lang naman yan sa kung pano mo bibigyan ng ibig sabihin ang salitang hero e. Kasi para sa akin, ang ibig sabihin nito, e ginagawa mo ang lahat para ma-achieve mo ang kung ano mang goal mo. Gagawin mo ang lahat para sa kung ano ang gusto mong mangyari sa sarili mo o sa paligid mo. Kung kailangan mo magbago, e gagawin mo. Depende din kung kanino mo pipiliing maging bayani. Bayani rin yung mga kurakot. Pinili nilang maging bayani ng mga sarili nila at ng kanilang mga bulsa. Sana wag tayong maging sakim, isama dapat natin ang iba lalo na sa mga pangarap natin. Kaya ganito dapat, pangarap kong matupad ang mga pangarap nyo. hahaha.
Sa mga nakasama ko sa mga kabalbalan sa paghahanap ng trabaho, sa mga nagsayang ng oras at nagbasa ng walang kwentang blog na to simula sa simula, at sa mga masusungit na utaw na na-ecounter ko sa panahong naglalakad-lakad ako para maghanap ng trabaho, tenkyu. Sa mga inggleserang HR na nag-interview sa akin, sa mga tanong sa exam na hindi mo alam kung saan nanggaling, at sa Jobstreet, tenkyu. Magiging boring kasi at walang ka-challenge-challenge (haha) ang paghahanap ng trabaho kung wala tong mga to. Hindi ko rin maisip na umabot na pala sa ganto ka rami yung nasulat (na type pala. haha) ko dito simula chapter 1. Tamad kasi akong tao e. Hanggang dito nalang muna tayo. Kung baga sa anime e tapos na ang season 1. Abangan nalang ang season 2. Kung magkakaroon man.
P.S. Hindi ako mahilig magsulat. Mahilig lang ako magkwento. :)
tenkyu.

"Where I'm from, everybody's a hero."

hahaha!!! ang galing ben! pede nang ipublish!!! totoo din naman! buti kayo mgsisimula na magwork at tuparin ang mga pangarap nyo! hahaha.. eh ako saglit pa lang parang mawawalan na uli ng trabaho! ganun pala yun?! hahaha!!! :D
TumugonBurahinhaha. relax lang flor. antayin mo lang si serendipity ni sir Tan. Parating na yun. For the mean time, chill lang. Wala naman nagsabi sayong magmadali e. Depende nalang kung pini-pressure mo sarili mo. Wag ganun. hehe. Easy ka lang. :You'll know your calling soon. :) Pangarap kong matupad ang mga pangarap nyo. hahahaha
TumugonBurahinhahaha!!! panalo! parang kandidato lang! BEN PARA SA 2010! :D
TumugonBurahinayos. rhyming. :)
TumugonBurahin