CHAPTER 7
"sabaw"
Pasensya na kung ngayon lang to nasundan. Maraming ginagawa e. Next time ikukwento ko kung anong pinagkakaabalahan ko nitong mga huling linggo. At para malibang ko kayong mga masugid kong tagasubaybay (kung meron man), e papakita ko sa inyo ang isang makabagbag-damdaming REACTION PAPER na ipinasa sa akin ng isa sa aking mga fans. Hehe, joke lang. Galing to kay Steven, yung recent solo applicant ng UP Agribusiness Society na nauto ko nung huli akong naghasik ng lagim sa elbi. Ok, eto na. Hindi ko na inedit to. Nakakatamad.
Ang kwento ay umiikot sa mga adventures ng paghahanap ng trabaho after makagraduate ng college. Isang challenge na kailangang malampasan lalong lalo na ng mga fresh graduates. Mahirap maghanap ng trabaho. Maraming pgadadaanan na proseso – nandyan na ang mga pagkahaba habang forms na kailangang fill-upan, mga interviews, mga madugong exams, mga masusungit na tao sa front desks. Pero parte na yan ng buhay. Kailanagang mgahanap ng hanapbuhay upang mabuhay.
Sa paghahanap ng trabaho kailangang madiskatre. Ayon sa kwento kailangang punctual sa mga interviews o exams. Kailangang with pleasing personalities with all the corporate attire. Naka neck tie pa nga raw eh. Dapat may prescence of mind. Marunong sumunod sa instructions. At kailangang matyaga. Pero kahit mahirap yung adventure ng paghahanap ng trabaho e kahit papano ay naeenjoy naman. Hindi naman lahat e matatangggap o makakakuha ng trabaho o mapapasukan pakatapos na pakatapos grumaduate ng college eh. Tyaga at swerte lang ang kailangan. Sa ngayon eh hindi ko pa masayadong maiintindihan o madadama ang paghahanap ng trabaho sapagkat ako’y estudyante palang ng college. Pero makakatulong din ang mga characteristics sa paghahanap ng trabaho na nabanggit ko sa pang-araw-araw na gawain. Sa pakikisalamuha sa kapwa. Sa acads.
*sir pasensya na sir late ko na po naisend. Marami po ginagawa. Di na nakakapagnet.
Lubos na gumagalang,
Steven
Steven
O. Panis. Nga pala, yung "Lubos na gumagalang" dun e dinagdag ko lang. Para magmukhang Maalaala Mo Kaya tsaka pagtyagaan nyo na yung mga maling spelling. haha. Hmmm... teka, san ako magsisimula... OK. Game.
Sang ayon ako sa punto ng ating letter sender na si Steven na kailangang madiskarte ka at ang mga kabalbalang pinag gagawa namin ay maari ring magamit sa pang araw araw na buhay. For example, habang nagluluto ka. Basahin mo muna yung instructions, read aloud and full english at bawal mabulol. O kaya naman, kung tinanong ka ng nanay mo kung bakit ka ginabi ng uwi, sagutin mo sya in full english sentences. Kung gusto mo e mag corporate attire ka na rin para convincing. Hindi lahat ng bagay sa mundo e nadadaan sa masusing pag iisip at lalong hindi lahat ng sagot sa mundo e nacocompute at nagagamitan ng formula. Kailangang marunong kang dumiskarte. Sabi nga ni Rap:
"May dalawang klase ng estudyante sa UP, may matalino at meron ding madiskarte. Aminado akong hindi ako matalino pero nakagraduate pa rin ako."
Ang masasabi ko naman:
"Walang bobo sa UP. Tamad, meron."
Ang sabi naman ng dati kong housemate na si Arn:
"Sira ang pag-aaral pag libog ang pinairal."
Kung ano man ang common denominator sa tatlong quotes na yun e bahala ka nang maghanap. Pero mas maganda pag ang diskarte mo ay may katapat rin na masusing pag iisip para mas maging epektib.
Dun sa sinabi ng ating letter sender na si Steven na "tyaga at swerte lang ang kailangan", medyo sumasang-ayon ako dun. Pero hindi lahat ng bagay e nadadaan sa swerte. Karma, pwede pa siguro. Nung simula e nasabi kong sinwerte lang ako nang makapasa ako sa mga pre-employment exams, pero ngayon e naisip ko na hindi yon swerte. Masasabi kong dahil yon sa kung paano ako pinagtibay ng UP noong nag-aaral pa ako. Yung exam na tinake ko sa Accenture ang maamin kong talagang bagsak talaga ako. Hindi naman sa mahirap pero... a basta. Tanungin nyo nalang si Rap. Pareho kami ng iniisip tungkol dun sa exam (at kay ateng HR na nakakalibog, sabi ni Rap. haha). Pareho kaming nagulat dahil nakapasa kami at yung ate sa likod namin e hindi. Pumasa kami hindi dahil sinwerte kami kundi dahil mas maraming exam sa UP ang mas mahirap pa dun.
Naisulat ko dun sa mga huling chapter na hindi totoong lalapit ang trabaho sayo pag taga UP ka. Oo, tama yun. Pero, masasabi ko na makukuha mo ang trabahong gusto mo dahil taga UP ka. Hayaan nyo muna akong magyabang ng konti. Lahat ng pre-employment exam na kinuha ko e pinasa kong lahat. Kung ikokompara sa exam sa Econ102 ni Carnaje o Phys3, Chem15 at Stat1 departmental exam e sobrang sisiw lang. Yan ang masasabi kong advantage nating mga taga UP. Partida, hindi pa ko kagalingang estudyante sa lagay na yan. Yung mga interview naman e, hindi na dapat bigyan ng effort dahil beterano na tayo dyan. Sa SpeechCom pa nga lang e, dagdag mo pa dyan yung presentation sa pagpasok sa isang org (nung ako nga e nanginginig yung tuhod ko nung presentation, nakakatakot kasi si Andrew. haha), at lalolng lalo na yung SP defense. May advantage tayo. Wag kayo mag alala.
Hindi mahirap maghanap ng trabaho. Maraming trabaho dyan. Pwede ka maging sepulturero, basurero, barbero, waiter, drug pusher, gas boy, pulot boy, takatak boy, kantatero, kundoktor at marami pang iba. Kaya lamang tayo nahihirapan e dahil mapili tayo. Choosy. Hindi masamang maging choosy. May karapatan tayong mamili ng trabaho dahil may natapos tayo. Hindi naman siguro natin hahayaang mapunta lang sa wala ang apat at mahigit pang mga taon na binuno natin para makuha ang diploma natin. Sabi nga ni Pat:
"Don't settle for anything less." Pero dapat din tayong matutong lumugar at tingnan kung hanggang saan lang ang limit natin. May mga trabahong nakalaan lang sa mga cum laude at mga matataas ang grado't walang mga bagsak. May mga standards din na dapat sundin. Parang sa pag-ibig. Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Lalo na pag hindi ka swak sa standards ng gusto mo. Kaya kung gusto mo, bumili ka ng standard electric fan - subok na matibay, subok na matatag. Pota corny.
Ok, dito na muna magtatapos ang kalokohang ito. Tsaka ko na ikkwento kung anong pinagkakaabalahan ko at matagal kong ndi nasundan ang kabalbalang ito. OK?
Sige, merienda na muna ako ng tempura straight from Zamboanga City. Haha. Namiss ko din to. Chow!
blank
TumugonBurahinayan o.
TumugonBurahintakte ikaw kya may sabi ng tungkol kay ate.
TumugonBurahinah. ako ba? haha. cge. cge.
TumugonBurahinclap.clap sa fish tempura..hehe
TumugonBurahinhaha. namiss ko yung streetfud satin e kaya nagpadala ako. mas masarap talaga mga streetfud satin. dabest. :)
TumugonBurahinhehehe di ko makita un sa facebook haha
TumugonBurahinaba, at special mention ulet ako.. love mo talaga ako no Ben? hahaha...
TumugonBurahin"(at kay ateng HR na nakakalibog, sabi ni Rap. haha)"
TumugonBurahinanu ba yan..ang lilibog :p hahahahha....
uy hndi nga ako may sabi ahahaha....si ben o napasa sakin tsktsktsk... hehehe
TumugonBurahinXa, xa. papalitan ko na... pagsinipag ako. hahahaha
TumugonBurahinaba. xempre naman pat. hahaha.
TumugonBurahinnakakmiss e. Andami neto sa sidewalk sa'tin. dito WALA!!! dapat talaga makaabot yan dito. hahaha.
TumugonBurahintsong next chapter na at ikwento mo na ang ngyari sa inaplyan mo isama mo sa segway ang pagalok sayo ni ate....... hehehe ng trabaho haha
TumugonBurahinnext!! hehe..
TumugonBurahin